Archives

The Academe

Volume no. 25 | 2025
Issue no. 1


Title
MGA HAMON SA EPEKTIBONG PAGPAPAHAYAG NG WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA UNIVERSITY OF BATANGAS - JUNIOR SCIENCE HIGH SCHOOL
Author
Joshua S. Mañibo; Hannah Kimberly A. Clanor
Views: 16 Cited: 0
Downloads: 0
Click here to download
Abstract
Sa kasalukuyang panahon, ang teknolohiya, paghahalo ng wika, unang wika, at sistema ng edukasyon ay mga salik na lumilikha ng hamon sa epektibong pagpapahayag ng wikang Filipino. Ang paglaganap ng social media, paggamit ng code-mixing, at limitadong paggamit ng Filipino sa loob at labas ng paaralan ay nakaaapekto sa kakayahan ng kabataan na gumamit ng wika nang wasto at malinaw. Kaya naman, nilayon ng pananaliksik na itong tukuyin ang mga pangunahing hamon na nararanasan ng mga mag-aaral ng University of Batangas – Junior Science High School sa paggamit ng wikang Filipino, partikular sa larangan ng pasalita at pasulat na pamamahayag. Gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptibong disenyo upang ganap na mailarawan ang naging resulta ng pag-aaral. Pagkatapos pagtibayin ang nilalaman ng sarbey-kwestyoneyr sa tulong ng mga kaugnay na literatura, ipinamahagi ito sa 200 mag-aaral mula sa Baitang 7 hanggang Baitang 10. Lumitaw sa resulta ang kabuoang iskor ng mga hamon, na may katampatang-tuos na 2.61 at pamantayang paglihis na 0.89. Ang mga pangunahing balakid ay umiikot sa kasanayan sa pinaghalong wika, limitadong bokabularyo, at mababang kaalaman pagdating sa balarilang Filipino. Bilang karagdagan, napatunayan na ang teknolohiya, paghahalo ng wika, unang wika, at edukasyon ay may malaking impluwensiya sa kasanayang pangwika ng mga mag-aaral. Ito ay nagresulta sa pagbaba ng kakayahan sa malinaw at organisadong pagpapahayag, kahirapan sa pagsunod sa gramatikal na tuntunin, at kawalan ng tiwala sa sarili. Bilang solusyon bukod sa iba pang nabanggit na rekomendasyon gaya ng pagpapalakas sa pagtuturo ng gramatika at pagpapayaman ng bokabularyo, bumuo ang mga mananaliksik ng isang YouTube tsanel na magsisilbing alternatibong plataporma upang mapalawak, mapagtibay, at maisulong ang kasanayan sa wikang Filipino sa isang makabago at interaktibong paraan.
Keywords
wikang Filipino, hamon, pagpapahayag, edukasyon, teknolohiya, unang wika, paghahalo ng wika (code-mixing)
References
Ahmad, S., Hassan, W., & Jabeen, M. (2023, Disyembre). Code-Mixing and Code-Switching Problems among English Language Learners: A Case Study of the University of Sahiwal. ResearchGate. https://tinyurl.com/3uufdhny

Ahmed, P. (2019, Hulyo). Major Writing Challenges Experienced by EFL Learners in Soran University. ResearchGate. https://tinyurl.com/mbfj7fmv

Aliah, N., Amiruddin, Esmianti, F., Natsir, N., & Zulkhaeriyah. (2023, Hunyo). The Impact Of Language Changes Caused By Technology And Social Media. Journal of Linguistics, Literature, and Language Teaching. https://tinyurl.com/yck9s677

Baito, R. G., Caparoso, P. J. J., Imba, A., Noceja, D. A., & Samonte, J. J. (2019). Kakulangan sa Kaalaman ng mga Kabataan sa Wikang Filipino. Scribd. https://tinyurl.com/2cr9ztcm

Balita Online. (2019, Hulyo 31). Buhayin, pahalagahan ang katutubong wika. https://tinyurl.com/4f8afn7t

Barredo, C. & Saavedra, A. (2020, Enero). Factors that Contribute to the Poor Writing Skills in Filipino and English of the Elementary Pupils. ResearchGate. https://tinyurl.com/yc5whpfk

Chavez, J., Delos Reyes, R., & Tongkoh, A. (2023, Mayo). Transitional Challenges And Factors Affecting English-Speaking Learners In Learning The Filipino Language. ResearchGate. https://tinyurl.com/j3v2a25z

Dela Cruz, M. (2020). Ang epekto ng aktibong talakayan sa pagpapabuti ng kasanayan sa Filipino. Journal of Filipino Education, 15(3), 45-57. Department of Education. (2024, Hulyo). Policy Guidelines On The Implementation Of Matatag Curriculum. https://tinyurl.com/4u44yrfb

Dicang, V. J. & Molina, H. (2023). Mga Hamong Kinakaharap Ng Mga Mag-Aaral Sa Paggamit Ng Wikang Filipino Sa Makrong Kasanayan Sa Pagsasalita. Academia. https://tinyurl.com/3u2mbfks