| Sa patuloy na pag-usbong ng digital na panahon, kasabay ring umuunlad ang mga makabagong pamamaraan ng pagkatuto. Isa sa mga ito ang TeachTok o ang paggamit ng TikTok bilang kagamitang pampagtuturo, na nagbibigay ng maikli, interaktibo, at nakaeengganyong paraan upang mahikayat ang mga mag-aaral na matuto. Gayunpaman, nananatiling limitado ang mga pag-aaral hinggil dito at marami pa rin ang may agam-agam sa lalim, kalidad, at sistematikong nilalaman ng mga araling ibinabahagi sa naturang plataporma. Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang kabisaan ng TikTok bilang isang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino sa sekondarya. Bilang bahagi ng pananaliksik, bumuo ang mananaliksik ng banghay-aralin na may integrasyon ng TeachTok batay sa mga natukoy na pangangailangan ng mga mag-aaral at antas ng pagsang-ayon ng mga guro sa Filipino. Ang naturang banghay-aralin ang naging pangunahing awtput ng pag-aaral at isinailalim sa pagsusuri ng mga guro upang mataya ang kaangkupan nito. Isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng quantitative-descriptive developmental research design at purposive sampling, gamit ang isang Likert scale survey upang mangalap ng datos. Lumabas sa resulta na may ilang estudyante ang nag-aalinlangan pa rin sa paggamit ng TikTok bilang plataporma sa pagkatuto, bunsod ng kanilang pananaw na ito ay para lamang sa libangan. Gayunpaman, sa kabuuan, positibo ang pananaw ng mga respondente sa paggamit nito bilang isang makabago at mabisang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino. Iminumungkahi ng pag-aaral na gamitin at paunlarin pa ang nabuong banghay-aralin, at palawakin ang saklaw ng pananaliksik upang masuri rin ang bisa ng TikTok sa pagtuturo ng iba pang asignatura o sa mas mataas na antas ng edukasyon. |
Adnan, N. I., Ramli, S., & Ismail, I. N. (2021). Investigating the Usefulness of TikTok as an
Educational Tool. International Journal of Practices in Teaching and Learning (IJPTL), 1(2).
Cabanalan, J., & Aycardo, S. M., Ph. D. 2. (2021). TikTok: Bilang Makabagong Pandulog at
Estratehiya sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino. EPRA International Journal of Research and Development (IJRD), 6(7), 346. https://doi.org/10.36713/epra2016
Gaña, M. (2022). Development and Validation of InfoSIM for Grade 1 Mathematics Instruction.
International Journal of Advanced Multidisciplinary Studies, 2(1). https://www.ijams-
bbp.net/wp-content/uploads/2022/04/IJAMS-JANUARY-85-98.pdf
Mertala, P., Lopez-Pernas, S., Vartiainen, H., Saqr, M., & Tedre, M. (2024). Digital natives in the
scientific literature: A topic modeling approach. Science Direct, 152.
https://doi.org/10.1016/j.chb.2023.108076
Nepa, L. M. (2018, November 22). N/A. Coursehero.
https://www.coursehero.com/u/file/35725685/DFdocx/?justUnlocked=1
Romero, J. (2018, November 13). DepEd, hirap ituro ang Filipino, panitikan sa ilalim ng K-12.
ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/video/news/11/13/18/deped-hi rap-ituro-
ang-filipino-panitikan-sa-ilalim-ngk12?fbclid=IwAR038ZTYB9We qZ2J4BGvpgwDu7dEvVHRKW-htLfMk25PqB622VvNyctzSNs
Tagupa, H. (2019, December 6). What happened to our basic education? | Inquirer Opinion.
INQUIRER.net. Retrieved September 10, 2023, from https://opinion.inquirer.net/125707/what-happened-to-our-basic-education |